Tuesday, July 14, 2009

On rainy days..

I remember during my sophomore year in college..
Naiwan ko si pareng payong sa bahay.
Sa lahat ng pwedeng maiwan sa panahon ng bagyo, siya pa.
Kailangan talagang siya pa ang maiwan ko...

Noong gabi, ang saya ko, dahil hindi umulan.
Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari ang uhhh nangyari.
UMULAN NG MALAKAS KUNG KELAN MALAPIT NA KO SA BAHAY.

Bumaba ako ng jeep at handang-handa na mabasa sa ulan.
Naiiyak dahil suot ko pa naman ang paborito kong sapatos.
1-2-3, bumaba ako ng jeep na akala mo eh isang action star.

Hanggang sa kalagitnaan ng daan, may 2 bata na tila hulog ng langit.
Siguro nasa 13-15 years old na ang dalawang binatang to.

"Ate, baka magkasakit ka niyan. Ihahatid ka na namin sa bahay mo."

Habang naglalakad, tinanong nila kung ano pangalan ko, san ako nag-aaral, kung may boypren na ba ko at kung bakit wala akong dalang payong. Sinagot ko lahat ng tanong nila.
Usually hindi ako mabait sa mga hindi ko kakilalang tanong ng tanong.
Pero dahil napaka-gentleman nila, sinagot ko lahat ng tanong nila.

Hinatid nga nila ko. Pero hindi sa bahay ko.
Dahil sa ibang bahay ako pumunta.
Mahirap na baka bisitahin pa ko ng mga mokong na to.
Pagkatapos kong pumasok kunyari sa gate, nagpasalamat ako.
Noong nakita kong wala na ang dalawa, dali dali akong tumakbo sa bahay namin.

HAHAHA. Nakakaaliw lang. Kung kelan kailangang kailangan mo ng tulong,
bigla talagang dumarating ito sa di inaasahang panahon.

Parang kanina. Pag-baba ko ng jeep galing cubao at pagpasok sa gate namin,
biglang bumagyo ng malakas. Saktong sakto ang pag-uwi ko.
Namamangha ako sa mga ganitong pangyayari :)

Thank You Lord.
Yun ang lagi kong nasasabi.
Coincidence man ito kung ano pa,
basta thankful ako kasi hindi niya ako pinapabayaan.
Ayaw ni Lord na sipunin ako. Hehe.

No comments: