I've always wanted to try out photography.
Kaso cellphone camera lang ang kaya kong gamitin.
Ineedit ko nalang sa photoshop.
Pero this week, sa wakas! Masusubukan ko nang magamit ang camera ni ma!
Malalaman ko na din kung gumagana pa rin ba siya dahil noong college years niya yun binili.
Crossed-Fingers here. :)

To Join Ustetika :)
Oo. Sobrang nainspire talaga ko ni Sir Eros sumulat.
At dahil sa mataas na grade kong nakuha sa kaniya, kampante ako na kahit hindi man manalo yung entry na isusubmit ko, alam kong may lugar yun sa contest na yun. Lalala.
Pero sana manalo ako. Hihihi :))
To bond with my friends :)
Ewan ko ha. Kahit araw-araw kami magkakasama, namimiss ko pa rin sila ng sobra.
Siguro kasi sila lang yung nakakausap ko ng sobrang tagal dahil pag nasa bahay ako, tahimik lang ako at minsan lang magsalita.
Bukas, siguradong may baon ulit kaming lahat. :))
Bumili ng Selecta Gold Ice Cream :)
Pramis, hindi mabubuo ang linggo ko kung hindi ko pa rin masubukan yung Selecta Ice Cream na yun. I've always loved eating ice cream. Rocky Road flavor to be exact. Pero WAAAAH! New Flavors to try out! At 105 ang isang pint! Ipon Ipon Ipon.
Kumain ng Nips Sunflower Seeds :)
Isa pa tong favorite kong kainin! I used to drop by Aji Ichiban para bumili ng chocolates na to at nguyain habang naglilibot sa mall. Until recently, i discovered sa aming suking tindahan na may cheaper version na ang Nips nito! YEHEY!
So ayan. Happy. Sana maging maganda ang linggong ito. Kahit punong-puno yung homework page ng filler ko ng mga kailangang gawin, ayos lang. Kaya ko to. :)
No comments:
Post a Comment