Today, I am grateful for the gift of sleep and quiet time.
Lately, before 7am ay gising na ko. Nasanay ata ang body clock ko na gumising ng maaga for walking, work and baking. Pero kanina, 9:30am ako nagising. Siguro kasi alam ng sistema ko na pagod ako at wala akong any major na need gawin today. Yung antok na ramdam ko kahapon, nawala today. I felt so refreshed!
I spent my day baking a few boxes of cookies and then the rest of the afternoon walking while watching “The Village Barber”. Nakasingit pa nga ng nap noong hapon. It was a calm afternoon for me.
Speaking of “The Village Barber”, I am loving the series! Ang lovable nung 3 actors and ang galing lang kasi talagang licensed sila na barber and nail technician for the series. Pinakitang nag-training talaga sila. Ang ganda rin ng gustong ipa-experience ng show sa mga tao sa Muju at mga kwento ng mga residente doon. It’s like a healing reality show for me. Parang Hometown Chachacha yung feeling kasi nga probinsya vibe. Nakangiti lang ako habang nanonood at naglalakad.
Isa sa pangarap ko yung makagawa ng ganung klaseng show. Parang ang saya gawin lalo na kung walang attitude at from the heart itong gagawin ng celebs. Hehe. I miss doing reality shows. Sana soon mayroon uli!
I also miss Sokor dahil sa series. Naninibago akong hindi ko na-witness ang Spring this year pero ok lang. I am happy na makaka-save ako in time for my cousin’s wedding ceremony next yr sa Melbourne. Bagong experience again and I get to visit my ninong Jay and fam! Sila na lang kasi yung natitirang ka-close ko talaga. Lezgo, 2027!
I had a great day today. Sana bukas rin! 🙂
No comments:
Post a Comment