Tuesday, March 17, 2026

Three faces

Nabasa ko sa X yung post about this Japanese saying na every person has three faces. 

The first face is the one you show to the world, yung version ng self mo shaped by the image you want others to see.

2nd face is the one your family and friends recognize. Yung pinapakita mo sa mga taong pinagkakatiwalaan at mahal mo.

3rd face naman ay yung walang may ibang alam kungdi sarili mo. It's the truest reflection of you untouched by the gaze of others.

Yung 3rd face ko, lately ko lang nararamdaman. Kapag mag-isa ako, nakikinig lang ako sa malulungkot na kanta para umiyak. Ewan ko ba. Parang ang dami kong emosyon. Minsan alam ko ang dahilan, minsan naman hindi. Or baka in denial lang ako sa dahilan ganon. Hindi ko siya makwento sa iba kasi ayokong ma-judge. So iyak nalang para mabawasan yung mabigat na feeling. Na ngayon ay sinasabayan pa ng lagnat . Da best! Hehe.

Kaya naaappreciate ko yung me-time ko kadalasan habang nasa 12th floor ng office. Doon ko mas nailalabas yung feelings ko na walang pagpapanggap kasi mas aligned kami ng puso at isipan ko. Though I enjoy hanging out with officemates rin para may kausap.

Kasi nga, hindi pwedeng malungkot sa trabaho hehe. Masaya rin akong makapagsulat dito kasi wala naman na atang may alam na nage-exist pa 'tong blog na 'to lol.

Looking forward for this feeling to finally exit my system. Soon hopefully.

No comments: