May pinagdadasal ako lately and I’ve been asking for a sign. The sign came. I saw an old FB post of mine about God’s Perfect Timing this morning...
Life is indeed full of surprises no. Sino bang magaakala na magiging writer ako. Mahilig lang naman akong mag-blog dati ng kung anu-ano tungkol sa buhay ko but now, I get to do what I love professionally. Ang dami ko pang nakilala sa buhay dahil sa trabaho kong ito.
Sino bang magaakala na yung business na nasa isip ko lang noon at yung passion na bumuhay sakin during my unemployed era ay magiging isang business na talaga at na-achieve ko pa yung dream logo & box ko. May regular customers pa ko! Hehe.
Sino bang magaakala na yung paboritong pinapanood ko lang dati sa 2 Days 1 Night, magkakaroon ako ng photo op with him and signed poster with my name on it sa tulong ng isang korean writer na nakilala ko lang sa office!
May mga hindi din ok na sorpresa ang buhay. As in ginulantang ang pagkatao ko. Pero baon ko yung mga aral na natutunan ko sa lahat ng nangyari.
Minsan akala mo, game over. End game na. But the breakdown is actually a preparation for a major breakthrough. Nakakaloka lang maghintay but eventually, things will become even better. Shempre you need to do your part rin pero He will definitely guide you. Magigising ka na lang bigla at masasabi mong “This is it! Ito na yung tamang panahon.” and everything that you had to go through will all make sense.
Iniisip ko, ano pa kayang sorpresa ang mayroon si Lord for me? I don’t want to spoil it. Medyo binibigyan ko lang siya ng hints ng gusto ko sana through my prayers. Haha! But I am looking forward and grateful for everything in advance.
Sana habang nabubuhay ako, I get to live life na tunay na masaya, may napapasaya at may natutulungan. As much as possible, I try my best na walang naaagrabyado. I also start my day with a smile at nginingitian ang mga taong nadadaanan ko. Kasi minsan, yun lang naman ang kailangan mo para maging maganda ang mood. A smile from someone you know or even a stranger.
Sharing one of my favorite film photos that I took. Sa Padre Pio church ito. Isa sa mga simbahang nagpapakalma sakin at dinadasalan ko. Favorite area ko ‘to. Madami na ring natupad na prayers dito.
Yun lang! Happy Wednesday!

No comments:
Post a Comment