TOPIC: Kung kaya ba nila na maging housewife at partner lang nila ang magta-trabaho?
Lahat kami, NO ang sagot. Haha! Yes, we'd like to retire someday. Pero hangga't kita naming need ng partner ang help namin financially, kakayod kami ng kakayod kahit siguro until late 50's? Kami rin yung tipong hindi kaya na walang sariling income at humihingi lang sa partners namin. Parang we kennat! Di rin kaya ng konsensya kong bumili ng mga bagay na hindi sarili kong pera ang gamit. Hehe!
Unless ubod ng yaman at may-ari ng hacienda yung partners namin, dun kami mapapaisip. Haha!
------
I am turning "almost 40" na this year. Ang bilis ng oras. Honestly, kahit na masaya ako sa pagiging writer ko, may midlife crisis ata ako sa ibang aspeto ng aking buhay.
Looking back, madami sa mga gusto kong gawin or plans ko sa life ang hindi ko pa na-achieve or ayaw ko nang gawin. May mga bagay ring wala na kong gana gawin at all. Though I am very grateful kasi madami ring mga ganap ang hindi ko ineexpect na magagawa ko. Yes, it's still me. Your emotional girlie. Post Mercury Retrograde effect ba 'to? hehe!
Minsan, yung mga taong mukhang masaya.. nagpapanggap lang yan. Or simply trying to survive and be okay. Kaya sana kung ganun ka, I pray na maging okay ka rin in time.
------
Isa sa mga na-eenjoy ko rin ay yung makasama ang mga kaibigan ko. May deck of cards kasi sila na puro prompts / tanong tapos sasagutin namin isa-isa. Through those questions, mas nakikilala ko pa sila kahit na ilang taon na kaming magkakakilala. Makakasama ko rin ung 2 best boys ko this week. So yay! Sana naman matuloy na.
Madami akong mga naging unexpected new friends din this year kaya ang saya! 'Cos honestly, umay na ko sa feeling na may kasama kang nasa telepono at parang hangin lang ang kausap mo kasi minsan walang response dahil walang paki sa kinukwento ko or hindi nakikinig. HAHA.
-------
Minsan sinusubukan kong maging positive in life. But nilalamon pa rin ng negative thoughts. Ito ang isa sa mga araw na yun. Pero makinig na lang tayo ng masasayang kanta kasi hindi pwedeng maging malungkot habang gumagawa ng cookie dough!
No comments:
Post a Comment