Thursday, March 05, 2026

Mic Test... 1..2..3

It's been a long time. 8 years na noong huli akong nagsulat dito. Bakit? Hindi na ako maka-log in. Hahaha! But my good 'ol macbook air to the rescue. 

Binabasa ko yung mga drafts or unpublished entries ko dito sa blog kasi sabi ko sa sarili ko na babasahin ko uli siya after 10 years. And damn. Drama queen much? 

Madaming nangyari the past few years. 

1. My mom passed away. Isang pangyayari na hinding-hindi ko in-expect at never akong naging ready for it. Tapos biglaan pa yung nangyari sa kaniya. Hanggang ngayon, guilty pa rin ako sa mga bagay na hindi ko nagawa for her. Feeling ko, hindi ako naging mabuting anak dahil ang dami ko dapat ginawa na hindi ko at all nagawa. Malungkot lalo na wala ako sa tabi niya habang nasa ospital siya dahil sa sitwasyon nila ni Lolo. At sobrang lungkot na wala na siya. May times pa rin na bigla na lang akong iiyak habang nagdadasal sa kaniya. Hindi na kasi mawawala yung lungkot na yun eh. Mababawasan lang yung pain ng slight pero yung lungkot, I feel na it will always stay with me. Kasi it goes to show kung gaano ko siya kamahal. I love you and I miss you, mother dear. Sobra.

2. Almost 10 years na kami ni Cocs. Imagine that. Kahit kaming dalawa, nagugulat kami eh. Na ang tagal na namin considering na hindi steady yung unang tatlong taon namin together. As in aminado kaming dalawa na there were times when we'd like to finally end whatever we had but still chose to stick around kasi baka naman may magbago pa at maging okay eventually lol. At nandito na nga po tayo sa halos ika-sampung taon. Hindi pa rin ako engaged mga kapamilya pero no pressure at all. Universe, ikaw na ang bahala! Nasa'yo ang bola kung ano ba ang dapat. haha!

3. Ang dami-daming nangyayari sa trabaho. Napunta ako sa noontime, nag-resign ako sa noontime, and now rumaraket ako sa noontime. I went back to my original unit last 2024: Game & Reality. Kasi hindi na kinaya ng katawan ko lahat ng hamon ng buhay from work to personal life noong 2023 to 2024. Kung anu-anong nangyari sa balat ko. My skin went crazy. May nararamdaman pa kong kung anu-ano sa katawan ko that I had to consult different doctors. Kahit hairstylist ko, naging concerned na sa scalp ko. Lol. Ending, stress ang may kagagawan. Stress sa nangyayari sa bahay at work. I asked for a sign and something happened sa family namin na nagbigay na sakin ng courage to finally resign and take care of my overall health. 'Cause honestly, pagod na ang buong kaluluwa ko sa mga pinagsasasabay kong asikasuhin sa personal and work life ko. I had my much needed me-time sa Seoul and took a couple of months break before working on a new show again. It's been 2 years. Nandoon pa rin yung takot kung anong next show ang gagawin pero I always pray na i-guide ako sa right path. One thing's for sure, I am still in love with my job. 13th year ko na this year as writer. Yay!

4. Nabenta ko na yung bahay namin sa Pasig. The house no longer feels the same. So I had to sell it kasi it felt empty. It's a place na mahihirapan akong bisitahin dahil malulungkot lang ako. Wala na lahat ng kasama ko sa bahay na yun so nawalan na ako ng purpose na tumira pa doon. I am grateful kasi sobrang bait ng ninong Jay ko. He let me keep the entire amount. Saving it for future use. Natuto rin ako mag-invest sa bank because of it. 

5. May times na malungkot ako sa dahilang hindi ko rin alam. Ang gusto ko lang ay maglakad at makinig ng music sa Spotify. Favorite ko ngayon yung OPM playlist ko. Pero hopeful pa rin ako kasi I know things are slowly falling into place. Tiwala lang! Naniniwala pa rin ako :)

Yun lang. 1AM na at gagawa pa ko ng brownies mamayang umaga. Masusundan naman 'to kapag hindi ako nahirapan uli mag-log in. Hehe. I missed writing about random things. 

No comments: