Ang sakit. Bow.
Minsan, kahit anong iwas o prevention ang gawin, tinatamaan pa rin tayo ng sakit. At yun ang nangyari sakin last Tuesday. First time kong maramdaman ang matinding umay sa pagtulog at pahinga.
Last Monday, nagpaparamdam na yung katawan ko na may hindi magandang mangyayari.
Pag dating ng Tuesday, BAM! Fever + major body pain / fatigue. As in bawat movement ay struggle gawin. Ang kaya ko lang noon ay humiga at magpahinga. First time kong ma-experience na mag-nap ng maraming beses. Hindi na rin ako mapakali sa kama kasi gusto kong maging productive yung araw ko pero walang choice. Haha! Kahit manood ng series, nakakapagod.
Buti na lang naalala ko yung binili naming Chinese Tea sa Binondo na recommended ng Chinese naming officemate + Biogesic. Next day, ok na ko uli haha! Nakapaglaba na, nakagawa ng cookie dough at nakapag-zoom meeting na rin.
Isang araw lang siya ng sakit pero na-feel kong parang ang dami kong gustong gawin sa life after. Yolo? Wow. Haha.
Kaladkarin girlie kaway-kaway!
I hung out with officemates for 2 days straight last week after getting sick. Isang aya lang, nasa 12th floor na kami at naghihintayan. Nasa mood ako na makipagkwentuhan sa iba over dinner kaya that's what we did. I like opening up to them and getting to know them more as well.
Creative Juices, c'mon!
And then last Saturday, I attended a Romcom Writing Workshop with Prex. Interested talaga kong matutong magsulat ng script na Narrative aside from our usual Non-Narrative format. Pumasok ako sa industry na ito na walang kaalam-alam sa pagsusulat and I learned, so hindi pa huli ang lahat to write the love story that has been in my mind for a decade na. Mas na-gets ko yung tamang structure para mas maayos ang pagkakakwento. At important ang biography ng characters para ma-gets ng tao bakit ganun ang view niya sa buhay at sa pag-ibig. Ang galing rin kasi natutunan ko na oo nga ano, nag-e-evolve ang thinking ng mga tao pag dating sa love through the years. Whenever you watch a movie, people no longer expect happy endings. Kaya kuhang-kuha ako ng storytelling ng "The Loved One" that I watched it twice. Pero ako shempre, I'd like a happy ending sa kwentong gusto ko. Hindi para mabigo sa dulo!
Excited ako kasi next Saturday, may workshop uli akong pupuntahan. Masayang matuto sa mga taong mahal ang trabaho nila. Di ko rin alam bakit pero amats ko lately ang paganahin pa lalo ang creative juices ko. Yung tipong narinig kong may brainstorming yung isang team, gusto kong sumali kahit walang bayad. Gusto ko lang na may gawin. HAHA. Am I just bored or what?
Hello, outside world!
Nag-overnight rin kami sa bagong house ng friend ni Cocs nitong Sabado. They hosted a chill dinner and brunch for us and I enjoyed talking to them and exploring their new home. Masaya kasi wala sila sa industriyang parte kami so it's nice to know more about the actual outside world. Apakalaki ng bahay nila and I am happy for them kasi ibang klaseng kaligayahan ang ikasal at ma-achieve ang dream home. Inimagine ko tuloy what my future home would look like kasi honestly, wala pa kong idea. Alam ko lang ay gusto ko ng area for all of my books and baking stuff. But yea, things will be clearer in the long run.
Love is...
And then yesterday was the day I spent time with myself. I've been listening to "The Ridleys" lately. Parang gets kasi nila ako sa music nila. Kaya nila akong pakalmahin, paiyakin at pasayahin lalo na't emotional girlie ako nitong mga nakaraang buwan. Kaya tadhana na lumitaw sa feed ko yung gig nila sa QC at dali-dali akong bumili ng tix kahit na mag-isa lang akong pupunta. Na-miss ko rin kasing manood ng gigs. The last time I went to one was last year at mag-isa lang rin ako that time. Lol. I went there and the entire crowd was younger than me. Buti na lang kaya ko pang magpanggap na bagets. But I enjoyed the entire live performance. Naaaliw ako ko sa samahan ng banda kasi kita mong even after 10 years, passionate at masaya pa rin sila sa ginagawa nila. I love their friendship too. Natutuwa rin ako na may naaalala akong tao dun sa drummer nila. Haha! As in pwede silang magkapatid nung taong yun. I would love to watch one of their future gigs again. Galing. Hopefully, marinig ko yung "Someday" ng live next time.
Gusto ko man lagyan 'to ng photos, papa-process ko pa yung 3 film rolls ko. So to follow.
Manifesting a great week ahead!
No comments:
Post a Comment