Ngunit, itong egg yolk.. Ayaw makisama. I think kailangan ko pa ng panibagong technique pag magluluto nito. I-aapply ko next time. Part 3!
Nakita ko yung book ko na matagal ko ng gustong basahin. Ilang beses ko na napanood yung movie and I wanted to know kung paano kaya yung pagkukwento sa libro. Pero ang tumatakbo sa isip ko..
"French Toast or Pancakes?"
Gusto ko kasi may nginunguya ako kapag magbabasa. Hmmm. Pancakes na nga lang! Tapos pagkakain ko ng pancakes, nakatulog ako. Bwahaha! Kaya babaunin ko na lang sa Subic yung book ko.
Nagusap kami ni mama sa telepono kanina. Kinuwento ko sa kaniya yung nangyari nung isang araw nung natanggap ko ang regalo. Kinuwento ko sa kaniya yung lahat lahat ng nararamdaman ko. Paiyak na sana ako pero biglang naunahan niya ko umiyak.
First time namin magiyakan ni mama sa telepono. Naiyak siya kasi bilang nanay ko, gusto daw niyang maging okay ako, na okay ang nararamdaman ko pero wala naman daw siyang magawa kungdi magdasal nalang para sa akin. Dun sa statement niya na yun, mas bumuhos yung luha ko.
Kinuwentuhan niya ko tungkol sa mga dati niyang pinagdaanan tungkol sa pagibig at tinapos namin ang usapan ng mahinahon at sinabihan niya ko na humingi nalang ng guidance sa Panginoon para lumakas ang loob ko. Mahal na mahal ko ang nanay ko at gusto ko maging ganito ang relationship namin ng future daughter ko.
Nothing was planned today. Balak ko lang talaga ay magbayad ng utang ko kay Matthew tapos pupunta ng Smart para magbayad ng bill. Paglabas ko ng condo, umuulan. Nilabas ko ang payong ko pero may lalaking lumapit na may dalang payong. Pagtingin ko, si PJ pala. Nagulat ako as if para akong nakakita ng multo kasi di ko talaga ineexpect.
Sinabi ko sa kaniya ang errands ko. Aalis na lang daw siya if ever may gagawin pa ako pero dahil ayokong masayang yung effort ng pagaantay niya sa labas ng condo, sumama na ako.
Nagkwentuhan kami tungkol sa mga nangyayari sa buhay niya after namin maghiwalay. Kinuwento niya lahat ng updates tungkol sa mga kaibigan niya, family pati yung pagiipon niya. Nagkwento naman ako tungkol sa work, na nahanap ko na yung pinaka final chocolate chip cookie recipe na gusto ko, na nakakatawa pero nasugatan ako habang nagluluto ng pancake at tungkol sa love life ni stepay at ana habang papunta kami sa favorite namin dating Japanese Restaurant.
Inorder namin yung usual na inoorder namin. Napansin ko na pumayat siya. Madami daw kasi siyang narealize simula nung naghiwalay kami. Kaya lahat ng kailangang baguhin o ayusin, inayos niya. Pinakita ko sa kaniya yung bagong camera ko. Siya kasi yung lagi kong tanungan dati pag dating sa mga techie na bagay.
Alam niyang kailangan ko umuwi ng maaga para sa pullout namin papuntang Subic kaya hinatid niya agad ako. Along the way, hindi ko napigilan. Tinanong ko sa kaniya kung ano ang purpose nung regalo na binigay niya. Matapos niyang sagutin, naging honest ako sa kaniya. Sinabi ko sa kaniya na sa puntong ito, nasa stage ako na hindi ako sure kung ano ang gusto ko. Kasi sa ngayon, magulo ako emotionally.
Hindi ko na napigilan, umiyak na naman ako. Nag-sorry ako sa kaniya dahil feeling ko napaka ungrateful ko despite everything that he has done for me. Inamin ko sa kaniya na gusto ko siyang maging masaya at na ako sa sarili ko hindi ko alam kung handa ba ako na maging kami uli o kung gusto ko pa ba na maging kami uli. Na ayokong pumayag na manligaw uli siya pero sa sarili ko hindi ako sigurado na hindi ko na uli siya masasaktan.
Napaka straightforward ko kaya straighforward din ang pagpatak ng luha ko. Ang hirap kasi parang tinuturn down ko uli siya na parang breakup pero hindi.
Nagkwentuhan kami tungkol sa mga nakilala namin nung hindi kami. Inamin niya na nagkagusto siya sa iba pero naartehan daw siya at hindi niya makausap tulad ng kung paano kami magusap kaya hindi na uli siya nagparamdam. Pinagsabihan ko siya na wag ganun dahil parang nagpapaasa siya ng babae tapos iiwan sa ere.
Tinanong naman niya ako kung may nagustuhan akong iba. Mahirap man pero inamin ko sa kaniya. Kinuwento ko kung bakit ko siya nagustuhan, kung bakit kami magkasundo at yung dahilan kung bakit hindi pwede.
P: "Okay lang ba itanong ko sayo kung ano nga pala yung dapat regalo mo sakin nung birthday ko?"
Me: "Ahh, Director's Chair dapat yun."
P: "Talaga?"
Me: "oo kaso inisip ko kung kasya ka ba dun kaya di ko na tinuloy" hehe.
"Gumaan ba loob mo ngayon?", tanong niya. Tumango ako.
Nung time na yun, napagusapan namin na come what may na lang. Na ayoko siyang makulong or ma-stuck sa page na ako lang. Basta ako okay lang sa akin kung may makilala siyang iba at ganun din siya sa akin. Kita ko sa mata niya na nadisappoint ko siya dahil sa pag turn down ko pero eventually I feel na naintindihan niya.
Yun ang naappreciate ko sa kaniya, na hindi niya ipinagpipilitan yung gusto niya. Kumbaga inaayos namin in such a way na nagkakasundo kami sa isang decision. Minsan kasi akala natin pinaglalaban natin yung pagibig pero hindi e, yung akala mong paglaban.. Eh kinukulong mo lang talaga yung partner mo sa one sided thought mo.
Basta gusto daw niya na maging magkaibigan pa din daw kami kahit anong mangyari dahil sayang daw ang pinagsamahan namin at wala siyang ibang makwentuhan tungkol sa ibang bagay tulad ng problema sa pamilya kungdi ako lang daw. Pumayag ako. Nung magpapaalam na ako, naka pwesto na ko para yakapin siya pero ayaw niya, gusto niya shake hands.
"Wag kang magpanggap!", sabi ko.
At niyakap ko siya ng mahigpit. First time ko uli siyang mayakap after 7 months.
"Sorry ha. Basta please, gusto ko lang maging masaya ka.". Ngumiti siya pagkasabi ko nun at lumabas na ako ng kotse.
Napaka emosyonal ng araw na ito. Pero nagsurvive naman, mabuti naman. Dahil handang handa na ako para sa Subic Pullout at hindi pwedeng maga ang mata ko. Baka matakot ang mga bagets na magau-audition at mapagkamalan ako na adik. Hahaha!
Goodnight Lord, Salamat. Basta wish ko, sana maging masaya na si Peej at maging okay na ako eventually. I know you have greater plans for us.. Come what may. :)


No comments:
Post a Comment