Tuesday, May 31, 2016

Goodbye, May!

Ika nga ni K Brosas...
Well well well.
Balon Balon Balon.
Survived another month. 

This year, pakiramdam ko parang isang achievement yung matapos ko ang isang buwan na buhay. Haha! Napakahirap and yet di ko namamalayan na 5 buwan na pala ang nakalipas. Sana mag December na. Para birthday ko na! (29 na ko my gulay) Pero syempre birthday muna ni Mama.

Thankful lang ako kasi despite being an emotional wreck deep inside, heto ako.. Basang basa sa ulan. Hehe. Pero seriously, hindi ko kakayanin 'to kung hindi dahil sa dasal. Iba talaga ang power ng prayer.





Iba din ang power ng kaibigan. Yung maramdaman mo na kahit anong oras pa, kapag tumawag ka eh andyan sila para kausapin ka, patawanin ka at pakalmahin ka. Hindi lang basta handang sagutin ang tawag, handa ring makinig.


Iba din ang power ng pagkain. Hahaha! May ibang tao na ang way ng pag-cope sa kalungkutan ay yung gutumin ang sarili nila. Pero ako, thankful ako for good food dahil parang temporarily ay napapalitan nila ng good vibes ang katawan ko. Medyo nadagdagan na naman yata ako ng timbang this month pero okay lang, bawi tayo sa June (Or July. Pwede ding August hehehe)


Iba din ang power ng Alone Time. Nabibigyan mo ang sarili mo ng oras magisip para mabigyan ng clarity yung clouded thoughts mo. Kumbaga natatanggal yung mga pampagulo sa utak mo and narerealize mo kung ano ba ang tunay na nararamdaman mo.

Sa oras na to gusto kong yakapin ang sarili ko ng mahigpit at sabihin na "Good Job! Sisiw lang ang June!"

Isa sa mga ginawa ko kanina na kinatuwa ko nung biglang umilaw ang imaginary light bulb sa ulo ko ay ito...


Madami akong paboritong photos ng sunset pero itong dalawa ang pinili ko dahil noong mga panahong kinunan ko 'to, matindi yung nararamdaman ko. At gagawin ko silang.... Tantananan! Bookmark! Hindi ko na kailangan pang bumili sa National Bookstore. Yehey!

Minsan talaga may mga instance na bigla nalang talaga sayong ipapaalala ang isang tao. Nananahimik ako sa sofa habang hawak yung telepono ko.

IT: Yan si Ms. Cams, ang nagiisang kayang mag prompter habang gamit ang cellphone. Di na kayo rumaraket sa ibang show maam ha!
Me: (Tumawa kasi hindi kami talaga close at ni hindi ko alam na IT siya) Wala namang ibang pwedeng raketan!
IT: Sabi ko nga kay (pangalan niya), Nako! Wala ka kay Ms. Cams! Yung isang kamay may hawak na cellphone at nagtetext tapos yung isang kamay nagpprompter!
Me: Ngek! Anong sabi?
IT: Wala, Tumawa lang.

Yes Kuya. Bakit ka ganyan. Nanggugulat ka e. At yung totoo? Akala ata ng mga IT na prompter operator talaga ako. Hindi yata nila alam na writer ako hahaha!

Lately, nakakarelate ako sa lyrics ni Tootsie Guevarra: "Di makatulog sa gabi sa kaiisip" kaya ayon, puyat. At muling nagappear sa mukha ko ang mga solid "Madlang Pimple!" kaya kanina, umuwi ako ng maaga at dumiretso sa paborito kong Derma. Favorite ko yung derma ko kasi alam niya kung kailan dapat makipagchikahan para hindi ko maramdaman na unti unti niya kong sinasaktan haha! Tinatanggal niya ang mga unwanted stuvves sa mukha ko. Pwede rin po bang pakitanggal tong unwanted negative emotions sa sistema ko? O sa ibang doktor na ba yun? Hehe. Ok waley.

Nung pauwi na kami galing Subic, gusto ko sanang bumili uli ng burger sa Meat Plus pero sadly, nagmamadali na umuwi ang mga kasama kong may mga anak. Pagbigyan. Pero buong byahe ang iniisip ko ay "Sana man lang abutan kong bukas ang Tropical Hut". Eh hindi ko inabutan. Pero kanina after ko tiisin ng isang oras ang pagtusok sa mukha ko...


...Woohoo! Iba talaga ang feeling kapag finally nakuha mo na yung matagal tagal mo ng inaasam! Hahaha! Feeling ko nasa commercial ako nung unang kagat ko ng burger. At ngayon, nakahiga ako at di makagalaw sa kabusugan.

Mamayang mga 11:58, tatambay ako sa balcony. At sasalubungin ko ng nakangiti ang buwan ng Hunyo. Para naman baka sakaling sa buwan na yun magsimulang maging mas masaya ang happenings in lyf! Hehe.

"Better Days", ika nga.


No comments: