1. Pupunta ako ng grocery
2. Bibili ng ingredients
3. Gagawa ng cake para sa kaibigan ko na may birthday.
Habang naglalakad ako, pinapakinggan ko yung kantang "Grateful" ni Julianne. Ang lakas kasi maka positibo nung kantang yun. Favorite ko yung "...And then you came" :)
Grocery, check! Okaaaaay, Uwian na! Pagpasok ko ng lobby ng condo, nag-hi sa akin yung si kuya receptionist. Siya yung madalas kong binibigyan ng mga luto ko. Diretso elevator na sana ako matapos ko siyang i-greet pero biglang...
"Ma'am, may package po para sa inyo!"
Huh? Wala naman akong inorder. Pagkita ko, grabe pagkalaki laki nung box. Kinuha ko na may halong pagtataka. Tama, pangalan ko nga ang nasa box. Pagdating ko sa loob ng unit namin, kinuhanan ko muna ng picture parang ganito para maalala ko kung paano ko siya nakuha..
After nun kabadong kabado ako na buksan siya kasi hindi ko alam kung kanino galing. Ganun pala yung pakiramdam. Akala mo may bomba sa loob. Pag-angat ko ng takip ng box, may laman na stuffed toy, yung paborito kong set ng ballpen at instax film.. At may letter.
Unang tingin ko sa letter, shucks, kilala ko na kung kaninong handwriting 'to. Hindi siya nagpakilala, hindi niya nilagay ang pangalan niya pero sure ako.. Siya to.
Hindi ko alam bakit pero ngayon lang uli ako humagulgol after how many weeks. Hindi ko kinaya, kaya agad kong tinawagan yung kaibigan kong magcecelebrate ng birthday niya.
Cake sana ang surprise ko sa kaniya pero ibang surprise ang unang bumungad. Nagulat siya bakit daw ako umiiyak. Yung totoo? Hindi ko din alam. Ni hindi ko alam ang gagawin ko dito sa mga binigay niya. Pero sabi niya alam ko daw kung ano ang nararamdaman ko kaya gawin ko daw kung ano ang nasa puso ko. Ayoko na gambalain pa ang kaibigan ko kaya tinawagan ko nalang yung best friend ko.
Unang hello ko pa lang, alam na ni stepay.
"Umiiyak ka ba?"
Kinuwento ko ang nangyari, kinuwento ko ang laman ng sulat. Binigyan niya ko ng advice at pinagpahinga niya ko. Isipin ko daw ng mabuti bakit ako umiiyak. Tapos pinakausap niya sa akin ang manliligaw niya para matawa ako.
Me: Finafollow na kita sa Instagram
Gie: Ay talaga! Hehe Kamusta?
Me: Si stepay na bahala magkwento sayo para mas masaya.
Kinailangan kong kalmahin ang sarili ko dahil may contestant pa akong iinterviewhin at may surprise pa kaming gagawin para sa kaibigan ko.
Matapos ang isang oras, okay na uli ako. Bumalik ako ng opisina para i-greet na namin ng personal ang birthday boy.
Gulat siya eh. Hahaha! Puro papel lang ang hawak namin dahil hindi na kinaya ng powers ko ang mag bake pa ng cake kaya tinadtad nalang namin siya ng yakap.
After nun, iniwan na namin siya dahil busy siya sa trabaho. Kami nalang kumain sa isa sa mga paborito naming kainan.
Isang plato ng honey garlic chicken later... Nakaramdam ako ng sobrang pagod kaya matapos maghilamos, bagsak agad and off to dreamland.
Paggising ko, umepekto yata yung hagulgol kaya maga yung mata ko. Pero it was a good day dahil naging maayos naman ang takbo ng lahat.
Nagaayos ako kanina ng spiels tapos pagkita ko sa kanan ko.. Homaygad si Papa P pala ang nasa tabi ko. Nagkakagulo sila sa pagpapapicture pero pinigilan ko yung sarili ko.
Nagpapicture nalang muna ako kasama ang isa pang Papa P..
Papa Pisngi. Hahaha! Pero sabi ko sa sarili ko.. Take that chance. Kaya after ng segment, hinarangan namin siya para sa moment na ito.
Papa P.. Papa Pilit.
Nagtext din ang nanay ng paborito kong Little girl. Nasa abs daw sila ni Bella, sa Studio A. Kaya sugod agad ako after taping.
Mom: Look who's here, Bella!
Bella: (sumilip) Camsywamsy!
Tumakbo siya at binigyan ako ng napakahigpit na yakap. Umupo kami sa sahig at nagkwentuhan tungkol sa trip niya sa Cebu. Pinakita ko sa kaniya yung camera ko at nagpicture kami. Pero dahil maiksi ang attention span ng bata kapag may hawak na cellphone, hindi na kami makapagusap ng maayos hahaha!
Me: I have to go Bella!
Bella: But where are you going?
Me: I have a meeting!
Bella: But why?
Me: I still have work! And you're busy playing!
Bella: Alright.
Me: I'll see you again soon okay?
Bella: Okay camsywamsy (sabay yakap)
Gusto ko tuloy bigla ng baby girl. Wow hahaha! Matapos ang lahat ng gawaing trabaho, umuwi ako. Pag dating ko sa pintuan..
"Asaan na ang susi ko?"
Ermergerd. Naiwan ko sa isang bag ko. Umuulan pa naman. Pero no choice, bumalik ako sa opisina at kinuha ang susi ng karoommate ko.
Guard: O maam camille, akala ko umuwi ka na?
Me: Onga e. Hehehe. Kaso may naiwan ako e!
Bumili ako ng kanin sa mini stop pang fried rice ng makita ko si Duchess. Aalis na sana ako nung mapansin ko na nawawala ang telepono ko. Todo hanap ako sa bag at Pina-ring na din ni Duchess at lo and behold.. Nasa sahig ang telepono ko. Doon ko napatunayan na may mga tao talagang nakakasalubong mo for a certain reason. Na may magandang purpose sila kahit na magpa-ring lang ng telepono. Phew!
Nakasabay ko si Rico pauwi. Namiss ko din siyang katrabaho. Nagkaroon kami ng maiksing kwentuhan bago kami naghiwalay ng landas. Sabi ko sa kaniya na isipin nalang niya na minsan kailangan mong malayo sa mga taong importante sa buhay mo para marealize mo kung gaano sila kahalaga sayo. Wow lalim.
Habang pabalik, inisip ko ng mabuti bakit nga ba ako naiyak kahapon. At nalinawan ako somehow along the way.
Unang una, dala ng gulat. Dahil hindi ko ineexpect yung lahat ng iyon. Though natuwa ako in a way kasi naramdaman ko na concerned siya dahil alam niya na malungkot ako pero hindi niya alam kung bakit.
Pangalawa, naiiyak ako kasi after how many months, lagpas kalahating taon na pero parang hindi pa din siya makalimot. Nalulungkot ako kasi gusto ko na siyang maging masaya, maging malaya, maging okay at mahanap na niya yung girl na talagang magbibigay at mabibigyan niya ng love na deserve nila.
Nahihirapan din ako isipin kung paano ko yun sasabihin sa kaniya uli. Kasi sobra sobrang lakas ng loob ang kinailangan ko nung gabi ng break up namin and ngayon hindi ko alam kung paano ko uulitin ang lahat ng iyon.
Akala ko silence ang sagot sa ganitong sitwasyon. Hindi pala. Minsan kailangan maging malinaw sa kung ano ang gusto mong mangyari. Pero naging malinaw naman ako dati ehhhhh. Paano na itoooo.
Inimagine ko ng maigi na magkasama uli kaming dalawa.. Hindi na talaga e. Iba na kasi talaga. Hay. Mukhang kailangan ko magcompose ng pangmalakasang text message.
Wish me luck.
Kain muna ko ng tapa.















No comments:
Post a Comment