So nagplano kami ng isang trip papuntang Pampanga para sa Lubao Hot Air Balloon Festival. Parang ang ganda kasi sa pictures. Gusto namin maexperience makakita at makasakay sa Hot Air Balloons.
Pag dating namin dun, walang balloons! Just hot air. Grabeng kainit!!! Medyo dismayado kami. Kaya nagtest drive na lang kami ng parang motor or habal habal.
"So guys, enjoy to ah! Ano na balak natin?"
Nag-decide kami na pumunta na lang ng Bataan.. Na nauwi sa Subic.
"Why not daan na lang tayo sa simbahan since Sunday naman today?"
Hindi man nasunod ang plano, i'm grateful kasi first time kong makapunta sa napaka gandang church na ito. Hello, Holy Land Church.
"Cams, make a wish"
Kapag first time mo daw kasi sa isang simbahan, dapat daw humiling ka. So I made sure na my wishes were what my heart truly desires (Naks!)
Naging isang mahabang road trip ang Sunday namin na puro kwentuhan at stop overs. At we made sure na may time kami to admire the very beautiful Subic Sunset :)
Sa mga panahong to, magandang tumahimik lang for a few minutes and be thankful for everything. Iwas muna sa ingay at nonsense hanash. Hehe
Isa sa mga pinaka na-enjoy ko sa trip na ito is yung moment na naramdaman ko na sobrang saya na ng mga kaibigan ko.
Si Ana kasi dati sobrang heartbroken sa ex niya. Pero kahapon, I can see in her eyes na she is okay, happy and inlove. Finally, nakuha na din niya ang love na deserve niya. At I like the guy for her. Sobrang bait, caring at surprisingly mushy kahit na andoon kami. Hahaha!
Si Steph naman, she is happy but in time she will be happier. Iba ang kwento niya pero may promise na napagkasunduan. Kaya kahit ganun, kahit may adjustment period involved, Ramdam kong finally she has found the one. Too early to tell pero if she feels it, then I believe it.
"Guys, triple date tayo soon! Parang enjoy yun! Riot!"
Not everything goes according to plan. Kahit gaano mo iplano. Kahit gaano kadetalyado, in the end kung may mas okay na destined na mangyari.. It will happen. And this roadtrip was one of em!
Sabi nga.. "A Sunday well spent brings a week of content!" And I claim na this week will be a week full of positive surprises!
Hayyyy :) Thank You Lord for giving me friends na tulad nila. 10 years of friendship and counting. Hanggang sa pagtanda na to! Wala kayong kawala sakin :)








No comments:
Post a Comment