Kaninang umaga, nagising ako sa text ng nanay ng ex boyfriend kong si PJ. Tinatanong ako kung kilala ko kaya yung dati niyang katrabaho na nakatira sa Bicol kasi hindi daw nagrereply or sumasagot sa kaniya.
Tinawagan ko si Tita.
Nagusap kami at nagkuwentuhan.
Sabi ko baka yung isang editor yung pinuntahan nila. Hiningi niya yung number sa akin.
Tita: Ikaw, kamusta ka?
Me: Okay naman po tita. Mabuti naman.
Tita: May boyfriend ka na ba? (Tumawa)
Me: Ay wala pa po tita (tumawa din)
Tita: Hinahanap ka ni Cadie
Me: Ay talaga po naaalala pa rin niya ko?
Tita: Oo naman! Where's Tita Cams daw?
Saglit lang kaming nagkuwentuhan. Kung ano bago sa pamilya nila. Kung saang show na ko. Maiksi man na usapan pero naramdaman ko yung kabaitan sa puso niya. Na kahit alam kong nasaktan ko ng sobra ang anak niya sa desisyon kong tila makasarili, mabuti pa rin siya sa akin. Hindi siya nagtanim ng galit. I dont even think na nagalit siya sa akin. Naintindihan niya ang sitwasyon.
Dahil doon, masaya ako.
Hindi naman kasi dapat talaga nagtatanim ng galit sa tao. Mabuti ang nagpapatawad. Kasi kapag natuto kang magpatawad, para mo na ring pinakawalan yung negativity na nakakulong sa puso mo.
Pag nagpatawad ka,
Magiging malaya ka.
No comments:
Post a Comment