And ngayon, ang subject ng aking kauna unahang thankful thursday entry...
Mat and Erjan.
Kanina sa byahe pauwi, naisip ko.. Ang tagal na pala naming magkakaibigan. 10 years! Naalala ko dati, highschool pa lang kami. Nabubuhay kami sa kakalakad. Lakad kami mula megamall hanggang bahay, tatambay sa playground dahil ayaw pang umuwi at naglalakad kahit na bumabagyo na hanggang sa nahulog na sa kanal yung isang kasama namin. Medyo tag hirap pa ko nung highschool kaya madalas libre nila ang pang tricycle ko kapag may pupuntahan kami.
Sa kabilang section kasi sila so kapag dumadaan sila sa room namin, gumagawa sila ng mga kung anu anong funny face para lang asarin ako. Pinagtatawanan ako kasi lahat daw ng mga kaibigan na kinukwento ko nung college, puro imaginary. In short, very bata. Haha!
Thankful ako kasi kahit na sobrang tagal naming nahiwalay 3.. (Si mat ilang years nasa canada. Kami ni erjan masyadong busy) nandoon pa din yung friendship tulad ng dati. Mas mature nga lang ang usapan minsan though di pa rin nawawala yung dating kami.
Si Erjan ang isa sa mga macoconsider ko na pinaka close kong lalaki. Actually parang mabibilang sa isang kamay kung sino sila na pwede kong tawagan kahit anong oras kapag may problema ako at kailangan ko ng opinyon ng lalaki. Kaya thankful ako na kaibigan ko siya. May pagkaweird pero yung weird na tawang tawa ako dahil kakaiba ang utak niya.
Si Mat naman, thankful ako kasi hindi ko inexpect na magiging magkaibigan pa kami. After 9 yrs, naging maayos din ang lahat at kaya na naming pagtawanan yung nakaraan. Although hindi ko na maalala kung paano ba kami dati or kung ano mga pinaguusapan namin. Pero I'm glad we're friends again at buo uli ang grupo.
Madami na ding nagbago sa amin after ng highschool. Si erjan naging doctor, si mat nahilig sa pagiging backpacker at nainlove sa pagtravel, at ako naman naging writer.
Pero may mga bagay na hindi talaga magbabago kahit na lumipas ang ilang taon. :) Sila ang aking mga kaibigan.
Bow.



No comments:
Post a Comment