Saturday, March 26, 2016

March 25: "We're on a RODtrip!"

"Hold you breath, and make a wish"

Yan ang ginagawa namin sa kada bridge na madaanan namin kagabi. At kada tulay, isang bagay lang naman ang hinihiling ko. :)

Batangas mode kaming mga beshies kahapon. Supposedly madaling araw aalis pero dahil nakatulog ang aming resident driver, hapon na kami nakaalis. Nagka badtripan man ng slight, syempre kaibigan.. Idadaan nalang lahat sa tawanan kodakan at sayawan sa kotse!


Hello there my very in love na kaibigan! 

Gumawa me ng egg sandwich powz!


Unang kain ko ng egg sandwich was gradeschool, sobrang nasarapan ako kaya kinuwento ko agad sa lola ko at agad agad naman siyang gumawa para pambaon ko sa school the next day. Kaya love ko si lola eh :)

Yung byahe namin was 3 hours, wala kaming kahit anong plano. Walang naka reserve na kung ano man. Basta sugod lang sa Laiya! Dahil sabi nga ni shing, 

"Walang plan. Yun ang sense ng adventure"

Pag dating namin, fully booked pala halos lahat. Hahaha!

 "Sense of adventure pala ehh!"

Buti nalang doon sa huling beach na pinuntahan namin, pwede pa. Yun nga lang.. Til 6pm lang ang swimming at hello, 5:52 kami nag register. 

"So may 8 minutes pa tayo para tumakbo papuntang dagat guys!"

Eh hindi. Haha! Di kami umabot. Kaya kumain nalang kami ng pagkain na wala sa maynila.. Ang Andoks Chicken! Tapos nahiga na lang kami sa buhangin.

Hindi kami nagusap ng kahit anong bagay tungkol sa trabaho. Yun ang gusto ko sa friendship namin, hindi lang puro trabaho ang kaya naming pagusapan. Automatic pag wala na sa office, mga personal nang aspeto ng buhay namin ang topic. 



Ang sarap mahiga sa buhangin. At sobrang saya ko kagabi kasi kahit hindi yung ineexpect kong dami ng stars ang nakita ko, madami pa din naman sila. Naka-ilang bulong din ako nun sa kalawakan na sana mabigyan ng pagkakataon yung hiling ko. Ang tagal ko yatang nakatitig lang sa kawalan. I needed this trip.


Pag alis namin, inis na inis yung kaibigan kong si Mark dahil lola mode na agad ako. Aka Tulog na. Kaya nagpatugtog sila ng kung anu anong OPM songs at nag sing along kami at nagkuwentuhan kung bakit nakaka relate kami sa mga kantang yun. 

Tapos, dahil ayaw pa talaga magsi-uwian, kape muna guys.


Isang araw lang na nakatakas sa daily routine. Sobrang solb na ko! Kung pwede nga lang bumyahe kung saan saan every weekend, why not!

"Make memories" ika nga. :)

 

No comments: