Saturday, February 20, 2016

Hello, Stranger.

Natatawa ako..

For the past few months kasi, sinusubukan kong ngumiti like never before. Tumawa as if walang pinagdadaanan in life. Pero nagkaroon ng instance na noong moment na naglalakad ako habang hawak yung tsaa ko na akala ko ay walang tao sa paligid.. natulala ako sa kawalan at na-blanko yung utak ko.

...sakto na may isang tao palang nakakita.

Natatawa ako kasi never naman kami nag-usap ng personal. Hindi kami close. Wala naman siyang alam na kahit ano tungkol sakin. Pero nung moment na yun, napansin niya yung isang bagay na pilit kong tinatago sa mga kakilala ko.

"Kita kasi sa mata mo..."

Ilang beses na kong nagdasal kay Lord kapag kailangan ko ng sign at ibinibigay naman niya. Pero this time, nagpadala siya ng isang taong hindi ko naman hiniling pero dahil alam niyang kailangan ko ng magreremind sakin na ngumiti at maging masaya.. Poof! Ayan.

Thank You. 

No comments: