Sana uminom ulit si Papa. Kahit ngayong gabi lang. Kapag lasing kasi siya, dun lang kami nakakapagusap ng maayos. Dun ko nararamdaman na nakikinig siya sa mga sinasabi ko. Yun lang din yung time na nasasabi niyang naaappreciate niya yung mga nagagawa ko. Kapag lasing siya, ramdam kong mahal niya ko. Kapag normal kasi, tahimik lang si Papa. Hindi pala kibo. Ang madalas lang niyang sabihin sakin eh "kumain ka na ba?". Minsan naman, hindi kami nagpapansinan.
Ewan. Feeling ko papalayo ng papalayo kami ni Pa sa isa't isa. Lalo na ngayong mas nararamdaman kong mahal na mahal niya ang second family niya. Oo, minsan nagseselos ako. Ang attention kasi niya ay focused sa pamilya niyang bago. Tapos ngayon, narinig ko na hindi yata siya aattend ng graduation ko.
Kakaiba yung wish ko. Pero sana matupad. I feel like im at my lowest point right now.
Gugulo ng mga tao at ng mundo. Nakakainis, nadadamay ako. Ito yung mga panahong kailangan ko siya. Siya kasi nakakapagpatawa sakin eh, lalo na kapag nakainom siya.
Love, cams
1 comment:
Papagpray ko na sana maging ok na kayo ng daddy mo. :) haha. Naniniwala akong may ibang panahon para bumalik kayo sa dati, hindi lang sa pag-inom nya. :) Kaya mo yan Cams. Ikaw pa! :)
Nakakatawa lang yung pic na pinost mo sa Baccalaureate. Patawa talaga itsura ko e. :)) Hahaha. :)
HUG CAMS! :D KAYA NATIN TOWS! pOwSz! :))
Post a Comment