Nakita ko kasi sa TV yung kinakikiligan ng halos lahat ng kilala ko.
Never really liked love teams..
Pero sila iba eh. Sobrang saya ko para sa kanila kasi alam ko na what they have is REAL. Namiss ko tuloy ang aking love life.
"Oh love life, diyan ka muna sa likod ha! Konting tiis nalang!
Tska ka ulit eeksena :))"
Tska ka ulit eeksena :))"
I'd like to fall inlove again. Ayoko ng sapilitan, gusto ko yung unexpected, parang yung samin dati ni Wado at ng iba pang mga lalaking minahal ko. Haaaha! Kala mo ang dami eh no :))
Nakakamiss yung feeling na alam mong mahal ka ng taong mahal mo.
Yung inspired ka dahil sa kaniya. Blahblahblah and all that mushy stuff.
(Ganown?) Harhar.
Ewan ko ba kung bakit ganito ang post ko ngayon. Ang arte.
Siguro dala ng uber lamig na panahon. Masaya kasi kung may kayakap ka pag ganitong malamig. Hohoho. Eh wala, so yung kumot ko nalang ang karamay ko pati yung squidballs na tila ayaw maubos.
Sabi ko kay Papa God one time:
"Lord, kung alam mo namang hindi para sakin yung lalaking yun, pwede wag nalang kaming pagtagpuin please? Ang hirap kasi masaktan eh. Although natututo at nagiging mas matatag ako, ang hirap talaga. Ang bigat. Kapag nasaktan ako, parang feeling ko sampung kilo ng bigas ang buhat buhat ko. Sana yung susunod, eh siya na talaga. Yung for keeps ba!"
Choosy? Haha! Been writing letters to God for the past 4 months already. Siguro kaya feeling ko sobrang blessed ko at tuloy tuloy pa din niya kong pinapasayaaaa. Natutuwa rin ako when i feel the sincerity nung mga taong nag-congratulate sakin :D I feel so heppy!
Nabasa ko blog ni Judy, nakita ko yung pangalan ko at naalala ko kung gaano din ako ka-hyper that night. Woohoo. Love ko si Juday at Megitots :)) Papabili ako ng planner sa kanila sa Japan next year!
Benta talaga si Sir Bong. Hindi ko mapigilan ang tawa ko, lalo na dun sa kalabit-penge antic niya! Nararamdaman kong mapapaaral ako sa klase niya.
And then. My brain suddenly wants to log off.
No more stories?
Oh but no.
There's more.
Lots more.
Sa ibang araw.
Oh but no.
There's more.
Lots more.
Sa ibang araw.
No comments:
Post a Comment