"Eh ano naman ang hiling mo sa pasko?"
Natawa ko. Kasi in an instant (parang noodles lang), naisip ko agad ....
Natawa ulit ako. Alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi na tulad ng dati ang mga bagay bagay ngayon. Pero i know, everything's for the better kahit minsan, mahirap talaga. Basta. Yun. Labo. At totoo nga, maayos at masaya ang lahat ng bagay ngayon. And it makes me feel so blessed! WAH! :D
Sa field din, nagiisip yung mga kaibigan ko ng pwede kong date sa paskuhan.
Marami silang naisip, yung mga alam nilang gusto ko. HAHAHA! Pero sinabi ko nalang sa kanila na sa araw na yun, sila ang gusto kong kasama. Maubos man ang pera ko sa gabing iyon, alam kong kapalit naman nun ay isang gabi na puno ng fireworks, tawanan at walang humpay na asaran! Nagiisip na nga kami what if manalo kami sa paskuhan..
"Ah! Kay ana yung digicam.. Kay steph yung ipod!
Sa akin naman yung cellphone.. At kay mikz.. Yung rice cooker!
Para di na siya nauubusan ng kanin sa bahay! HAHAHAH!"
Sa akin naman yung cellphone.. At kay mikz.. Yung rice cooker!
Para di na siya nauubusan ng kanin sa bahay! HAHAHAH!"
Pinagmasdan ko silang lahat habang nagkakagulo, nagkokodakan at nagtatakbuhan. (Smiles). Ang saya ko talaga at ang swerte ko kasi sila ang mga kaibigan ko. Dahil diyan! Lalo akong naging excited na makasama lahat ng special na tao sa buhay ko before, during and after my birthday :) Ayos na lahat ng plano. Malas nga lang hindi pa ko nakakapag-christmas shopping. Ang favorite shopping buddy ko kasi, mukhang busy. Hindi ko naman pwedeng ayain yung mga kaibigan ko ngayong college kasi para sa kanila yung regalo! (Laki ng problema ko eh no! XD)
I have a feeling na this is going to be the best ever christmas for me! Kasi halos lahat ng mga mahal ko, andiyan. Lalala. And im here for them too :)
O siya. Household chores muna!
No comments:
Post a Comment