Sunday, September 27, 2009

Ondoy next door.

Masaya akong nagchachat kahapon, mga highschool friends at college friends.
Nagtatype din ng blog at nang-stalk (joke. Half meant! HAHA!)
Biglang may sumigaw:

"Ate Camille! Yung kwarto mo binabaha na!"

Napatayo ako. Sa isip ko, teka bakit kwarto ko? Eh nasa likod ng bahay yun ah!
Pero bago ako pumunta sa kwarto, pinost ko muna sa FB. Para cute. Har :D

Pagkita ko, Kewl.
Parang kiddie pool na nagsisimula palang lagyan ng tubig.
Walang kyeme kyeme, kuha agad kami ng dust pan at balde.

Isipin mo nalang soup yan.
Ang kwarto ko ang kaldero, Yung dustpan ang sandok at yung balde ang mangkok.
Sige lang. Sandok lang! HAHAHA.
Nakakaaliw kasi naging bonding experience namin ang pag-alis ng tubig sa kwarto ko.

Hindi kami nainis ko kung ano man.
Tawa pa nga kami ng tawa habang nirereenact yung commercial ni Manny Villar.
Pero teka lang waits, Parang ilang oras na yata ang nakalipas, ayaw pa rin maubos ng tubig.
May napansin ako sa poste, tila running water. Tinuro ko ito sa ninong ko.

Tumpak! Dun nanggagaling ang tubig! Dahil daw dun may burger ako mamaya!
Sinimulan niyang butasin ito at tinabunan ng 6 na tshirt.
At tsaka lang tumigil ang agos ng tubig.

Pagkatapos yata ng 6 na oras, nawala na din ang tubig.
Tuyo na din ang kwarto ko.
Pagod pero masaya. Ngayon ko lang naexperience maglinis ng ganun!
Bonggang bonggang bongga! HAHA!

Ang saya! Pero sana wag na maulit.
I'm Praying for those people na nasalanta ng bagyo. :)

No comments: