Tuesday, September 29, 2009

I did a good deed today! :D

Gian and I joined the Volunteers at Cubao expo kanina.
Went there at around 4:30.
Noong una nagkakahiyaan pa. Mukha kasing conyotics ang mga tao dun.
Kaya nagpunta muna kami ng 7-11 para kumain.

Pag dating dun, kinumbinsi kami ni Ben-ang-taong-nakuryente-noong-lumusong-sa-baha-sa-loob-ng-AB na pumasok at mag-register.
Sige na, wala nang hiya hiya, Taralets help! :)

Hindi namin alam kung san ba namin gusto.
Sa packing ba or sa pagpapasa ng relief goods. We ended up at the passing section and thankful naman ako na dun kami dahil marami akong nakilala dun. Nagtatawanan kapag pinepressure ang isa't isang bilisan ang pagpapasa.


Isang beses humirit ako:

"Para narin akong nag-gym dahil dito!"

May sumagot:

"Ay ate korak ka jan! Walang sinabi ang Fitness first!"

Natawa naman ako. Dah. :))

Noong panahon na yun, naramdaman kong may nakatingin sa akin.
Pagtingin ko, meron nga! At isa siyang nilalang na nakikita ko dati sa telebisyon.
Pero hindi sikat. Akala ko napalingon lang. Pero hindi. Nakatingin eh, ng madaming beses. Siguro kasi lagi akong naka-smile. HAR. :))
Pero really, natuwa ako. Dahil ang ganda ng mata niya at ang mga mata niyang yun ang nakapansin sa akin. Whatebur. :))
Biglang umeksena sa isip ko yung kanta ni Monica na Angel of mine:

"I look at you, looking at me.
Now i know why they say the best things are free"

Nahulog ang loob ko sa kaniya. Ang bilis no? Impacho-ation lang ata to! LOL.
Walalang. Nakakatawa pa kasi nagkataong napunta siya sa tapat ko noong nagpapasa. So... Awkward. Pinipigilan kong kiligin.
Iisipin ko nalang na hindi ako pumunta dun para mag-hanap ng lovelife kung hindi para tumulong. Siguro added bonus nalang siya! HAHAHA!

Sabi ni Gian, feeling daw niya andun si Miko, and whaddayaknow! Andun nga! Mukhang mekaniko sa na as usual nanggugulat at ako naman, laging nagugulat! :)) Nampupunas pa ng dumi. HAHA. Pero it was nice seeing him there! Helping out people, you know!


8:00pm na, finally we were able to eat dinner!
Nag-enjoy ako sa usapan namin ni Gian.

Naalala ko dati, lagi ko siyang kausap sa telepono at karamay pag puyatan. Ngayon ko nalang ulit siya nakausap ng ganun :)


Summary:
Masaya tumulong! Sobrang nakakataba ng puso ang mag-volunteer! Dun mo mararamdaman na kahit na minsan, nakakaasar ang mga pangyayari dahil sa ugali nating mga Pilipino, hindi pa rin nawawala yung "Bayanihan or pagtutulungan" pag dating sa mga sitwasyong ganito.

Sa sobrang tuwa namin ni Gian, sasama kami bukas sa UST Volunteering thingy! Haha! Inaya pa namin ang iba naming mga kaibigan. At sa wednesday din! Mukang sobrang saya ng mga araw ko ngayong linggo :) Thanks God!

Bago umuwi, dinaan namin si Manjie na naiyak sa In my life. Hehehe. Bonding lungs. And naimpluwensiyahan namin siyang sumama bukas! Hooray! :D

Sana okay lang lahat ng batchmates ko :D At sana sumali rin sila sa mga volunteer works!
Para everybody happy!

No comments: