Kapag hindi nakayanan, tatawag sa bahay ng iba't ibang kaibigan ngunit sa kasamaang palad ay madalas wala sila. Hindi available para makausap.
Namiss ko ang tumawa ng malakas at magkwento ng mga walang kakwenta kwentang bagay sa mga kaibigan ko. Ultimo kahit sobrang walang katuturan ang sabihin ko, tatawa pa rin sila.
Kaibigan eh. Naiintindihan ka. Kilala ka ng sobra.
Kaya sobrang saya ko kanina noong nakasama kong muli ang aking mga CA3 friends.
Ca3 in da house! Wahoo!
Isang oras sa mcdo. Walang humpay na kwentuhan.
OJT.
Lovelife.
Subjects this year.
Professors.
Reklamo sa buhay.
Reminiscing at kung anu-ano pa.
Halata sa mukha namin ang kasiyahan. Lalo na sa akin.. Smiling girl ba.
Sa dalawang oras yata na nakasama ko sila, ni hindi ko naramdamang sumimangot ako.
Maliban nalang noong ayaw kaming papasukin sa seminary gym dahil bukas pa daw kami pwede magbayad.
"Ano ba yaaaaan. Babalik nanaman tayo. Sayang pamasahe!"
Pero ginawa nalang katatawanan ang sitwasyon upang hindi naman masira ang araw namin
"Si mikz! Si mikz ang may kasalanan nito!"
HAHA. Kaibigan. Hindi ko alam ang gagawin kung wala kayo.
Mabuhay ang mga True Friends! Nyahaha! Excited na akong pumasok. Yeah!
No comments:
Post a Comment