Wednesday, May 06, 2009

Cervesa

Kasama ko ang aking mga kaibigan ko para mag-celebrate ng aming pagkakaibigan.
Napunta kami sa isang tapsihan.

"Tatlong tapsilog nga po, at tatlong extra rice"

Ano kayang drinks namin? Naisip ko.
Nang napunta ang atensyon namin ang isang bote ng beer.

"Ito nalang!" Pabirong sinabi ng isa.
"Hindi nga? Gusto mo?" tila seryosong tanong ng isa pa.

trenta minutos yata kaming nagtatalo kung gusto ba namin ituloy kasi sa totoo lang, hindi kami umiinom. Gusto lang namin itry, for a change. At para malaman kung ano bang meron dito at halos lahat ng lalaki at babaeng pasaway ay gustong gustong iniinom ito.

Nauwi sa wala ang pagtatalo at hindi rin namin nasubukang uminom.

Minsan gusto kong gawin yan, ang magpakalasing. Lalo na kapag sobrang sama ng loob ko. Yan kasi ang problema sa akin minsan, kapag galit ako sa isang tao ay hindi ko sasabihin sa kaniya kahit na magtanong pa siya sa akin. Kunyari okay lang lahat pero deep inside..

"Walangya ka lumayo ka sakin badtrip ako sayo!"

Isang beses na uminom sila mikz sa payr, nalasing si steph. Doon bigla lumabas ang lahat ng hinanakit niya sa isang tao. Binidyohan ko siya dahil naaliw ako at besides, kailangan ng proof para malaman niya lahat ng pinaggagawa niya at kung ideny man niya na lasing siya nun, ang masasabi ko nalang ay..

"Etong sayo! Hindi ka pala lasing ah!"

Ganiyan din nangyari kay Erjan nung huling party niya. Sobrang sama ng loob niya nung nanakawan siya ng wallet. Kaya nung nalasing siya, hindi niya alam na 6 na beses and counting niya na yatang sinasabi ng paulit ulit yung sentence na sinasabi niya.

Masama loob ko... Masama loob ko... Masama loob ko...

HAHAHA. Really. Gusto kong magpakalasing. Tapos may mag-bibidyo sa akin. Habang nagmumukang sira doon na nagsasalita. Kasi lahat ng sama ng loob ko, nasa isang notebook lang. Gusto ko naman subukan sabihin ito ng malakas para mawala itong isang toneladang nararamdaman ko.

Emo? Not.

Noong una daw akong tinamaan, natakot daw ako sa sandok.
Ano naman kaya susunod kong gagawin? :))

"Ang beer na to o ang pag-ibig koooo.... tenenenen" - itchyworms

No comments: