Ten things you wish you could say to 10 different people right now (NO names!)
1. Marami rin akong kailangan sa buhay. Sana wag mong kalimutan yun. Andito rin ako. Huwag lang puro sila.
2. Thank you kasi lagi kang andiyan para sa akin. Ikaw na yata ang pinakanakakaintindi sa lahat ng pangyayari sa buhay ko. Ikaw ang pinaka-mahalagang tao sakin maliban kay God :) Lahat ng ginagawa ko ay para sayo. Babawi ako sa lahat
3. Kahit once a month na lang yata tayo magkita, sobrang saya ko kasi super close pa rin tayo! Apir! Shopping na ulit tayo pag may pera! At tutulungan kitang tuparin ang pangarap mong maging modelo.
4. Tama na ang pagiging emo mo sa mga shoutouts mo. Hindi ako feeling. Obvious lang talaga. HAHA! Sarry. Im taken. Panuorin mo nalang movie natin. Katawa! Ganun pa talaga ang title :P
5. Hello! Naalala ka ni mama kahapon lang. Kasi super maalalahanin ka daw. Tumawag ka pa talaga dati sa bahay para lang tulungan ako mag-install ng Adobe Photoshop! Papatulong sana ulit kami mag-install ng laro. HAHA! Miss ko na ang kakulitan mo sa text at Ym! Sana matupad na yung pangarap mong maging direktor!
6. Mamatay ka na baliw kaaaaa! Iwasan mo nako! Adik ka! Huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin sa building! Bwiset. Hindi ka talaga marunong umintindi ano! Ayaw ko sayo pesteeeee!
7. At dahil gaya-gaya ako, dito rin kita ilalagay. Yey. Im really thankful kasi ikaw talaga ang biniyaya sakin. Lalim! Haha! We were meant to be together. You make me sooo happy! Lalala. Mushy. I love you always and forever. Cant wait to see you!
8. Minsan hindi ko alam kung paano maibabalik sa dati yung friendship natin na bigla nalang naglaho. Hindi ako nawawalan ng pagasa. May isang taon pa tayo. Yey! Babawi ako. Sana alam mo na mas nangingibabaw ka kesa sa iba dahil sobrang magkasundo tayo at masaya ko pag kasama kita. Tignan mo ikaw lang nililibre ko pag may pera ako o!
9. Kapag ang topic namin ay tungkol sa heartache or kahit anong malungkot, ikaw lagi ang example ko. Siguro kasi sobrang naging impact ka sa buhay ko. In short, impacto ka. HAHA. At lahat yata ng ginagawa kong papers na tungkol sa experience ko sayo eh puro perfect ang score! Ang galing! Hindi na ako galit sayo. Salamat kasi kahit naging ganun ang ending natin, may natutunan naman ako. At happy ako kasi kayo na ulit :)
10. 8 years and still counting! I really treasure our friendship! Kasi sakto ka lagi ng pagtawag, pagtext, pag-aaya or whatever. Kilala mo na talaga ako. Thank you!
Nine things about yourself:
1. Hindi ako marunong mag-bike at lumangoy.
2. May mga list of goals ako every year at nagagawa ko lahat yun!
3. Ayokong naliligo sa bahay ng ibang tao. Ewan ko kung bakit.
4. May stage fright ako at sobrang mahiyain ako sa mga hindi kakilala.
5. Selosa ata ako. Sa kahit kaninong tao na malapit sakin.
6. Gustong-gusto ko manuod at mag-laro ng basketball!
7. Wala akong bisyo. Yes Yes Yo!
8. Mahilig ako mag-joke. Nyahaha.
9. Kuripot ako, sobra!
Eight ways to win your heart:
1. Patawanin mo ko.
2. Masipag mag-reply sa text. HAHA. Nasanay na kasi akong ganun dati pa.
3. Patient. Kasi minsan may pagka-malabo ako.
4. Mabango. Naaliw ako sa mga mababango. Ayoko nung amoy tatay, manong o lolo.
5. May sariling say sa mga bagay. Hindi yung parati nalang ako magdedecide.
6. Madaldal pero may sense o kaya nakakatawa. I hate dead air. Ang awkward.
7. Cute. HAHA. Lalo na yung smile! :)
8. Magkasundo tayo sa mga bagay-bagay.
Seven things that cross your mind a lot:
1. HP mini Laptop.
2. DSLR or digicam
3. Own condo unit
4. Sandals (wala kasi akong tsinelas pag-alis haha!)
5. Gola sneakers.
6. Mommy :)
7. Eduardoer Simaner.
Six little stupid things you want to happen to you before you die:
1. Magkapicture kasama si Gerald Anderson at Enchong Dee :))
2. Sumayaw ng kahit anong sayaw sa harap ng maraming tao.
3. Mag-bunjee jumping habang sinisigaw lahat ng sama ng loob ko! Yay!
4. Tree Top adventure with Friends! Gusto ko talaga nun!
5. Mag-aral mag-drive sa isang liblib na lugar.
6. Mag-pinta ng chucks.
Five Turn-Offs:
1. Ubod ng YABANG.
2. Makulit. Yung tipong nakakairita na.
3. Papansin. Yung halata na nagpapapansin talaga sayo.
4. Nag-papaselos. Pathetic move.
5. Boring kausap.
Four Turn-ons:
1. Sweet.
2. May passion sa buhay.
3. Magaling sa kahit anong gawin niya.
4. God-Fearing.
Three smilies that describe your life:
1. :)
2. XD
3. :'(
Two things you wish you never did:
1. Mag-loko nung first year. Ayan, hindi na tuloy ako magiging cumlaude dahil sa mga collector's item ko na TRES.
2. Gastusin yung naipon ko sa bangko nung 4th year ako. 17 thousand din yun!
One Confession:
-Hindi ako magaling mag-sinungaling. Kaya i always try not to lie kasi super obvious. Walang sense sinasabi ko pag nagsisinungaling ako. :))
No comments:
Post a Comment