My Fat Lion Family.
Lagi kong sinasabi sa sarili ko na sobrang swerte ko kasi napunta ako sa Prod House na yun. Kasi nga sobrang bait ng mga tao dun.
Noong una syempre nahihiya pa ako sa mga boss. Pero nang tumagal, at ease na ako sa kanila. Lalo na kay Mam Emi na parang mommy na namin dun. Lagi silang concerned sa amin. Pinapakain nang tatlong beses sa isang araw. Tumayong second home ngayon summer. At ang nakakatawang ginagawa nila kapag gustong mag-relax:
Mag-Facebook ng sabay sabay :))
Kanina nagkukwentuhan pa kami ng mga boss tungkol sa madugong shoot na naranasan nila Gian at Stephanie. Nahiwalay kasi kami ng project. Biglang napunta ang usapan sa mga cheesy pickup lines. Hindi ako nagpatalo. Nag-share din ako..
Sir Jerome: O ikaw ba camille, anong pick-up line ang ginamit ng boypren mo sayo?
Ako: Ay ser wala po! haha! Pero alam niyo na ba yung tungkol sa keyboard?
Lahat sila ay nakatingin at sabik sa pickup line. Katawa. Si direk, yung editor, yung mga production managers andun at naghihintay ng sagot.
"Keyboard ka ba? Kasi type kita!"
Isang malakas na halakhakan ang narinig ko. Yun ang pinakamatagal ko nang gustong marinig. Yung tawanan na alam mong sincere. HAHAHA.
Ser Jerome: Walangya ka camille! Yan ata yung ginamit sayo no? Kunyari ka pa!
Niloloko pa nila ko. Minus 40 hours na daw ako dahil sa mga kagilagilalas na rason. Kesyo tumawa daw ako, tulala etc etc etc.
Ayoko pa talagang umalis sa prod house na yun. I have siguro 4 more days left. Kung papalarin na may next project, sasama ulit ako. Why not. Masaya yun kasi maeexperience ko na maging Production assistant na ako lang at walang kasamang ibang trainees. That'd be fun.
Sana maging extra ulit ako. HAHA.
Fat Lion is LOVE.
Pero loko-loko din yung isang bading namin na EP.
Hindi na daw Fat lion. Vakla yon na daw.
Get it Get it? hahahaha! Funneh.
I can see myself now after grad... Training in Fat Lion.
Feeling ko sa Production talaga ako mapapadpad :)
1 comment:
may allowance po ba mag ojt sa fat lion? thank you!
Post a Comment