Saturday, April 04, 2009

Nakakapanghinayang

Lagpas isang taon na pagkakaibigan.
Ngayon eh nauwi nalang sa malamig na patutunguhan.
Sayang.
Nakakapanghinayang.

Ano ang nangyari?
Hindi ko din alam.
Biglang isang araw, poof!
Hindi na kami tulad ng dati.

Distance makes the heart grow fonder daw.
Ako? Hmm.. Medyo nasasanay nang hindi siya kasama.
Pero nakakamiss din ang reaksyon niya
Kapag nakita niyang dumadating ako.

Gusto ko pa bang ibalik ang masasayang kahapon?
Oo naman.
Ewan ko nalang sa kaniya kung gusto rin niya.
Sana. Andito pa rin ako, umaasa.

Kaibigan. Tara, magusap ulit tayo. :)
Miss na kita.

No comments: