Tuesday, April 28, 2009

Nabuhay muli.

Inisip ko nang matagal kung pupunta ba talaga ko sa birthday party ni Erjan.
Kasi nung una, baka nandun yung mga ayaw kong kasama. Nakakainis kapag ganun.
Pero dahil matalik kong kaibigan yung nilalang na yun eh pinili ko pa rin pumunta.

Wa happened?
ANG SAYAAAA!

Na-miss ko ang mga highschool friends ko. SOBRA. Gulat nga sila kasi nandun ako at short hair na. Nabansagan tuloy akong Santino.

"Hi mo naman kami kay bro!"

Gumawa sila ng "Baileys" like na drink. Ang sarap kaya naka-2 ako na baso. Dapat 11 uuwi na ako. Kaso na-extend ng na-extend. Naging 2:30am na! Hindi naman nagalit si mama dahil kampante siya na ihahatid nila ako hanggang sa harap ng gate namin.

Kwentuhan, tawanan, at walang tigil na asaran. Ultimong yung mga dati pang mga tandems ko ay hindi nila tinigilan. Mula sa hukay ay binuhay muli ang mga dating issues. Buti nalang kahit isa sa kanila ay wala dun. Haha!

Lasing na si Erjan at sobrang labo na ng mga sinasabi.

"Matulog ka ng 10 hours, gigising ka ng 14 hours."
What da?? Ano yun?? Tawanan nalang kami.

Heart-to-heart talks kami. Kinamusta na din nila ang lablayp ko dahil sa wakas, i have someone na talaga! Nagulat din ako kasi kasama nila ang girlfriends nila na ngayon ko lang na-meet. Imagine. Yung iba dun eh after 3 years ko nalang nakita. Ano daw ang nangyari sa akin at ngayon lang daw ako nagpakitang muli.

Hanggang sa kailangan nang magpaalam. Lasing na kasi si birthday boy. Inaantok na din ang iba. Si ian nga eh OJT hunting ang paalam. Inabot ng 2:30 kakahanap ng OJT? Ano ba yun! Hahaha! Siguro pag-nagaya sila ulit next time, hindi na ako tatanggi. Sana lang hindi na ako ganun ka-busy sa school.

Biglang nag-flashback sakin lahat ng highschool memories gawa na din ng reminiscing moments kanina. Masaya. Nakakamiss talaga. Pati yung mga kalokohan ko eh naaalala pa nila. Sweet. :))

Teka. Pinapantal na ako. Kailangan nang itigil muna ito. Smile nalang muna.
Salamat Lord sa mga kaibigang tulad nila.

No comments: