And I will give you some tips para naman if ever kayo na ang mag-OJT Hunting eh handa na kayo at hindi matutulad sa nangyari samin. BWAHAHA.
1. Make sure na alam niyo ang address ng pupuntahan niyo na company.
-Dumating kami sa meeting place namin sa G4. Pag dating ng lahat, may nagtanong:
Walang may alam. HAHA!


Pero dahil ayaw namin masayang ang pag-punta namin, nag-net nalang kami sa isang PC Shop.
Search dito. Search doon.
Ayan nakuha na lahat ng address. 9 minutes ang time namin, 30 pesos daw. Huwoah! Kay mahal! Pero ayos lang, sila naman nag-bayad eh. Hihihi.
2. Make sure na naka-rubber shoes kayo.
- Mahaba-haba rin na lakaran ang nagawa namin. Bakit? Kasi ayaw namin mag-jeep or taxi or kung ano man na means of transpo. Kasi magastos. Besides, nagpapapayat din ang mga kasama ko. Except for steph. Hehehe.
3. Kapag hahanapin niyo na ang pupuntahan niyo na company, sabihin niyo sa mga kasama niyo yung BUONG ADDRESS.
Mikz: "Cams, saan yung 88 storey films?"
Ako: "Sa the peninsula daw ehh"
Mikz: "Ah alam ko yun, malapit yun sa office ko. Kaso malayo."
US: "Okay lang!"
So lakad na kami mula sa dakong ibayo na sobrang layo nga. Ultimong may dadaanan ka pa na underpass para lang makatawid. Tas mali pa yung nadaanan namin na underpass kaya back to square one kami.
At last after how many minutes, nakadating na kami sa The peninsula. Nag-tataka si steph kasi hotel daw yun.
Ang ngiti ng pagod ay naging poker face. Malay ko ba na dalawa pala ang the peninsula sa makati. Isang Hotel at isang Court. Nagkaroon bigla ng oakwood mutiny sa labas ng The penisula hotel, na pinangungunahan ni Mikz.
So ano nangyari? Back to Square one kami habang minumura ako ng mga kasama kong pagod na pagod na. HAHAHA.
Pag-dating namin sa mismong building, kung gaano katagal ang nilaan namin sa paglalakad, eh ganun kabilis ang pag-pasa namin ng Resume.

4. Hindi lahat ng May PRODUCTION sa dulo eh production house na.
- Pagbaba namin galing 88 storey eh tinignan na rin namin kung may iba pa bang Production House.
"Uy! Green Apple Production o! Parang astig, puntahan natin!"
Pag-dating namin sa 5th floor. Waw. Green Apple productions. Pagawaan pala ng NOTARYO.
Kabwiset. Hahaha!
5. Rejection: It Happens.
- Hindi kami tinanggap sa Straight Shooters dahil may mga interns na daw sila. Pero sabi ng taga-UST na nag-assisst samin, bumalik daw kami after 1 year kasi they're in search for the ideal thomasian P.A. Haha. Magagaling daw kasi ang taga-UST when it comes to production.
Wow. Pero kailangan na namin ang trabaho ngayon ate, hindi next year. WAAAH.

6. Dapat may dala kayong RESUME.
- Mag-aapply kami for Filmex. Si les sumama nga, wala naman dalang resume. HAHAHA! Hindi namin alam kung balak lang ba niyang mag-pagod kasama kami o kung anong trip niya. Ayun, nag-hanap nalang kami ng "Malapit" na computer shop sa paligid.
Malapit: mga 10 minuto ng paglalakad.
7. Make sure you have your cameras ready
- May mga instances sa buhay na may makikitang napaka-gandang bagay pero magsisisi ka kasi wala kang dalang camera. Pero buti nalang ay may dala ako kahapon. Dahil kung hindi eh mamimiss namin ang opportunity na kuhanan ito ng litrato:
Mac, GRO ka pala? Joke!
8. Last but not the least, Dapat madami kayong pera at enerhiya.
May mga gusto kaming bilihin pero kulang na ang pera. Kaya kumain nalang kami. Yahoo! May bonus pa! Nakita namin si Sir Jogar sa may kainan at si Victor Basa sa Penshoppe!

All in all, masaya ang experience. Just make sure na tamang tao yung mga kasama niyo. Kaya sa susunod na OJT Hunting eh baka hindi na nila ko isama dahil sa The peninsula Incident na yan. :))
WALA PA KONG TRABAHO! WAH! GIANT SPONGE MAG-REPLY KA NAMAN!
3 comments:
Hi! We are also looking for companies/production houses open for OJT, could you send me a list of possible ones? Thanks and good luck! dalubhasangbaguhan@yahoo.com
Hi
Post a Comment