Wednesday, February 04, 2009

Muling Ibalik.

Naalala ko ang dati.
Naging isang dakilang epal ako sa isang set ng nagliligawan.
Ako si Beastfriend kuno. Oo. Beasty for short. Katuwaan lang.
Gusto kong lumayo at tumigil na bago pa ito lumalim.
Pero para sa kaniya..

"Mahal ko siya, pero mas masaya akong kasama ka. I know it's wrong. Pero ganun talaga nararamdaman ko eh. "

Hayaang manaig ang nararamdaman. Kaya sige, go lang.
Pag nabisto, eh di bisto.
At least, masaya kayong dalawa.
Pag tumatawag si babae sa telepono niya, tatahimik ako kahit tawang-tawa kami sa mga kalokohan namin. Pag baba ng telepono, tawa lang ulit!
Lakad simula megamall hanggang bahay ko. Ihahatid niya ko para safe akong makakauwi.

Pag may party, si babae ang kasama niya.
Pag-uwi nung babae, ako naman.
Something's fishy sabi ng iba.
Kami naman: "Hindi, close lang talaga kami"

Lumipas ang ilang buwan. Oha, bisto!
Ayan, nawala na ang lahat.

Simula noon, natakot na ako sa salitang "Bestfriend"
Dahil baka maghiganti si Pareng tinatawag natin na Karma :P
At ako naman ang maging susunod na biktima..

-Nagmamahal, Kristina.

Sabi nila, when all the love is gone, what remains is the friendship that was established even before Love happened. It will always be there. Parang ganun yata. Im glad we're still friends.
No more bitterness.
No more Beasties.
But Just Plain good ol Friendship.

PWAHAHA. Kay Labo.
(Nakita ko sa Freshman Diary ko na puno ng kabitteran. Naaliw lang ako.
And Bored. I badly need to do something. So.. Blog Awaaaaay! HAHA!)

No comments: