Dahil pag-inaaya daw niya ko, sabi ko sasama ako pero hindi naman talaga.

Kaninang hapon ay nagiinternet ako nang may biglang humiyaw ng pangalan ko.
Telepono daw.
Ako: Teka lang sandali!
Umabot ng mga 2 minuto bago ko sagutin ang telepono. Pagkaangat ko, andun parin ang tao sa kabilang linya..
Ako: Hello?
Siya: Goodafternoon ms. Cruz! You just won One million Pesos!
Ako: Ulul. Haha! Sino ito?
Siya: Wahahaha! Caaaaams!
Siya: Goodafternoon ms. Cruz! You just won One million Pesos!
Ako: Ulul. Haha! Sino ito?
Siya: Wahahaha! Caaaaams!
Boses pa lang niya, alam na alam ko na.. Erjaaaaan!
Na-miss ko ang highschool friend ko na ito. Kung magkakaroon ako ng bestfriend na lalaki, siya na yun. Gumawa pa nga ako ng blog para sa kaniya dati eh. Ganun siya ka-espesyal sa akin.
Naalala ko nung pinagselos niya yung lalaking crush ko nun sa isang party.
Todo akbay si Erjan at tila natatawa na sa mga pinaggagawa niya.
Ako naman, hindi sanay pero sinakyan ko ang trip niya.
By the end of the night, kinuha na ng lalaki ang number ko sa kaibigan ko..
SUCCESSFUL!
Marami rin kaming napagusapan kanina.
From translating spanish words to kahit anong kalokohan at walang kamatayang jokes.
Ako: O anong bago sa iyo ngayon?
Siya: Eto, manipis na kilay ko.
Ako: Hahaha! Seryoso? Bakit naman?
Siya: alam mo yung pag bored ka sa klase, wala kang magawa kung hindi bunutin ang kilay mo?
Ako: WAHAHAHA! Ako din ginagawa ko yun!
Siya: Oo grabe, last time nga nagulat ako mga walong buhok ang nabunot ko. WAAAAH!
Namiss ko ang mga kagaguhan talks.
Nasabi rin niya na masaya siyang makita akong umiibig at nakikipag-date ulit dahil nung huling kausap ko daw yata siya eh sawi ako nun at bitter. Tila naiiyak pa.
Natouch ako dahil hindi mahilig gumamit ng telepono si Erjan.
At na-touch ako lalo dahil ako pa ang naisipan niyang tawagan.

Happy New Year my Friend. Im glad nakausap kita ulit!
Apir! Tatagaytay tayo minsan! Libre mo lahat. HAHA :))
No comments:
Post a Comment