Tumingin kami ng magandang palabas.
Ako: Ano ba yan. Ang mahal naman ng movie dito.
Ben: Sagutin mo lang ako at ililibre kita ng movie.
Ako: O sige. Pero pagkatapos ng movie, break na tayo.
Wala kaming magawa sa megamall kaya't napagpasiyahan namin na lumipat nalang sa trinoma. Sinisisi namin si Mikz dahil siya ang may pakana na sa megamall tumambay.
Maganda daw sa RedBox. 200 lang, eat all you can na at sing all you can for 2 hours.
Sige ba!
Next Destination: Trinoma.
Sa loob ng bus ay ginaw na ginaw kami.Akala mo Baguio. Nag-eemo lang ako habang nakadungaw sa bintana dahil ang sweet ng mga katabi ko. HAHA!
Biglang humirit si Ben.
Ben: Cams, hold my hand!
Steph: Ben, ako nalang kasi.
Ben: Tumigil ka diyan! duduraan kita!
Steph: Malay mo tayo talaga ang para sa isa't isa!
Ben: Chi-tsinelasin kita jan!
Dumating kami sa trinoma. Nakita namin si Mam Pey. Ang kewl niya for a prof. I like her dress pati yung bag niya. Balak ko sana itanong kung san niya binili kaso Shy me. HAHAHA! Nagulat siya samin at tinanong kung bakit ang gaganda at gwapo namin.
Natural lang po yun. HAHAHAHA! Weh.
Pag dating sa redbox, 200, pero no food na. Sinisi namin si Ben. Kumain nalang kami sa tokyo-tokyo para mawala ang pagkabadtrip.Yung iba jan eh naka 6 servings of rice. Hindi ko sinasabing si Mikz yun. Hindi talaga... :P

Hmm.. Vijoke nalang kaya tayo after neto? Game!
Sinong magaakalang 3 oras kami sa loob ng vijoke booth? Tig 8 songs kaming 5! Siguradong pikon na yung mga naghihintay samin matapos. Pero Vengeance is ours! Kakanta lang kami dun hanggang maubos ang 400 pesos namin na card. Yeahboi.
Kinanta namin lahat ng genre.
Classic, OPM, Senti songs pati yung mga baduy na kinakanta ng mga lasinggero sa mga bar. Masaya. In the End, umuwi kami ng nakangiti.
Tamang bonding lang.
Simula 2 pm hanggang 9:30, magkakasama kami.
Masyado nga namin na-miss ang isa't isa. Sana next time, ganun ulit.
At Dapat makanta namin lahat ng kanta sa songbook!



No comments:
Post a Comment