Thursday, January 29, 2009

Free Throw.

Noong highschool, pagkatapos ng klase ay pupunta kami ng parkwoods phase 2 para panuorin ang mga kaibigan namin na lalaking mag-laro ng basketball. Sa araw-araw na ginawa ng diyos eh yun ang paborito namin gawin. Tambay sa Greena's para kumain ng sisig tas lalakad ng ilang kilometro papuntang basketball court.

Naaliw ako kaya't sinubukan kong mag-aral. Unang beses kong mag-dribble noon, tumama sa ngipin ko. Syempre tumawa ang bading.

HAHAHA ka jan! Masakit kaya! Gusto mong sa muka mo to tumama? :))

Impairness, supportive naman sila sa aking gusto.

Si Elvis, tinuruan akong mag-free throw, lay-up at kung ano ano pang klase ng shoot. Pero di kinaya ng powers ko. HAHA! Basta marunong ako mag-shoot! Case Closed!

Si Mat, tinuruan ako mag-dribble. Dito ako hirap na hirap dati pero dahil sa kaniya, marunong ako. SalaMAT. Weh :P

At si Erjan, tinuruan ako ng styles ng paglusot at pag-agaw ng bola sa kalaban.

At ngayon ay namimiss ko nang mag-laro. It's been 3 years since i last saw them play. Nakaka-miss. Lalo na si Elvis na lalong bumabango pag pinapawisan. HAHAHA!

Maraming salamat. Wala akong kaalam-alam sa ibang sport, pero dahil sa inyo, marunong ako mag-basketball. Masasabi kong isa na akong tunay na lalaki. WEH! :))

No comments: