Nagagawa ko pang balik balikan ang dati.
Ginagawa ko siyang basehan kapag maraming humihingi sa akin ng advice.
Isang tanong ang bumulabog sa akin recently.
Paano mo nga ba malalaman na ang isang tao ay tuluyan nang naka-move on?
Hmm. Pambansang tanong?
Ewan. Ngayon ay isusulat ko ang isa sa mga hindi ko ikinukwento sa mga kaibigan ko.
At ito ay ang bitter days ko.
June 2006.
Pasukan na.
Masaya ko kasi mag-aaral kami sa isang eskwelahan at sa isang building pa!
Pero napagpasiyahan niyang hindi na kami pwede sa isa't isa.
Bitterness Starts here...
Sumama ako sa mga maling impluwensiya sa buhay.
Cutting dito.
Inuman doon (Pero sila lang. Nakatanga lang ako kasama sila)
Blog ng tungkol sa kaniya na halos araw araw ata.
Lagi ko rin tinitignan yung album namin sa multiply na ngayon ay nakaprivate na for my viewing only.
Sabi ko sa kanila, naka-move on na ako.
"Ulul! Hindi pa talaga! Bakit ka blog ng blog tungkol sa kaniya?"
*Good point. Ewan ko din ehh. Nasanay lang ako na siya ang topic.
"Pinakawalan mo pa yung gwapong nanliligaw sayo dahil sa kaniya! Tanga!"
*Ehh kasi naman. Di pa ko ready eh.
*Ehh kasi naman. Di pa ko ready eh.
"Kasi siya pa rin ang gusto mo?"
Hindi. Naka-move on na nga ako diba?
Hindi. Naka-move on na nga ako diba?
"Ewan ko nalang sayo."
*Pramis, totoo! (sabay isip sa kaniya)
In denial tlga ko nun na may gusto pa rin ako sa kaniya. Pero pramis. Mula June hanggang December, siya parin. Walang iba.
Hanggang sa nag-sawa nalang ako. Hindi na ako gumagawa ng blog tungkol sa kaniya. Parang ayoko na rin siya hanapin. Bahala nalang siya sa buhay niya. Walang galit. Walang kahit anong emosyon. Masaya ko hindi lang para sa sarili ko, kung hindi pa rin sa kaniya.
"Ayan! Yan ang naka-move on! Congrats Cams!"
*Salamat :)
No comments:
Post a Comment