Tuesday, November 11, 2008

Si Sir Eros..

Pangarap ng isang kaibigan ko na maging professor si sir Eros Atalia.
Sabi ko sa kaniya, ako na ang tutupad sa pangarap niyang iyong dahil siya ang prof ko sa Retorika ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang meron sa kaniya at bakit pangarap siyang maging prof ng maraming estudyante kaya hinintay ko nung saturday kung ano ba talaga ang pagkatao niya.


Pag pasok niya, kung anong mga bagay ang pinagsasabi niya.
Mga bagay na walang koneksyon sa lesson namin.
Puro tungkol sa Philosophy.
Napailing nalang ako kasi ayoko na balikan ang philosophy para niyo nang awa!
Pagkatapos ng halos 1 oras, tinanong niya kung may questions daw ba kami.

"Sir, anong subject ba ito?"

Hindi ko alam kung nagkukunwari lang siya na hindi niya alam na retorika ang subject namin o nagsasayang lang talaga siya ng oras dahil wala siyang naihandang lesson para sa araw na iyon.

Cool siya kung cool.
Andami niya kasing pilosopiya sa buhay na hindi mo maiisip.
Mapapasabi ka nalang ng "oo nga naman".

At eto ang kinagulat ko.
Nagmumura siya sa klase.
Galit na galit siya sa mga gurong nagtuturo ng pandiwa, panlapi at iba pa.
Hindi naman daw namin magagamit yun pagtanda namin.
HAHAHAHA! Weird! Yet True :)

Sa dami ng sinabi niya, wala nakong matandaan.
Pero nakakatawa lahat.
tipong Bob Ong siya pero mas naastigan ako sa kaniya dahil nakikita ko siya sa building.

Hindi ko tuloy alam kung anong mangyayari sa susunod na klase namin sa kaniya.
Malamang exciting nanaman itong adventure.
BWAHAHAHAHAHA!

1 comment:

Dharel said...

ui si sir erros, wahaha ang galing nito. astig :D mahilig siya sa mga babaeng amoy pinpig.