Isa sa mga pinoproblema ng mga tao.
Ako aminado ako na every month ay nakakakuha ako ng 2000 pesos mula sa tatay ko.
Pangarap kong ipunin yun para after grad, makakabili na ako ng condo.
Kaso mahirap eh.
Maraming kailangang bilhin para sa school.
Photocopy here and there.
Ako pa bumibili ng sarili kong damit, sabon, toothpaste Etc. Etc.
Kaya eto, sa buwan buwan na 2000 pesos kong nakukuha, 3500 parin ang laman ng ATM ko.
Nawawala ng parang bula ang allowance ko.
Kaya kung anu-anong MATINONG Raket ang pinasok ko.
Naging tagagawa na ako ng bags.
Naging Muse ng isang councilor na tumakbo nung nakaraang eleksyon.
Isang trabahador sa imprenta ng ninong ko.
Tuwang-tuwa ako nung kinuha akong designer ng kaibigan ko para sa shirt business nila.
Todo design ako ng kung anu-ano gamit lamang ang Love pet pen pati bond paper.
Eto pa lamang ang nagawa nila na design ko:
Sa ngayon, yan pa lang ang business ko. Hay. Pinasok ko yan dahil:
- Mahilig ako mag-drawing
- Gusto ko talaga mag-ipon.
Pero Mahirap talaga Mag-ipon ehhhhhh!
Tulad nga ng sabi sa isang networking seminar na pinuntahan ko:
"Ang mga pilipino, sinasabi nilang naghihirap sila. Pero pag tinignan mo, may hawak na cellphone. Dalawa pa! Sa totoo lang, hindi sila naghihirap. Mali lang ang mga priority nila in life."
Korek. Kaya sa bawat bili ko ng mga bagay, matagal ko itong pinagiisipan kung talagang kailangan ko ba ito. ultimong shampoo. Kailangan ko ba ng bagong shampoo? O wag na? tubig na lamang sapat na yun. Haha! joke lang :P
Kaya eto ako ngayon. Sobrang kuripot. Napipikon na mga kaibigan ko sakin. Pwaha!
Hindi ko alam kung paano tatapusin ang blog ko.
Kaya ganito nalang bigla nalang mawawala! - Inspired sa kanta ni Chito Miranda

1 comment:
Hay nako. Napaisip ako bigla kasi lately, anggastos ko. Waha. Gusto ko rin mag-ipon pero wala talaga. Gamitin ang skills para kumita! HAHA!
Post a Comment