Saturday, July 05, 2008

OOH LALA!

pumunta ako kanina sa tomweb office para.. nakakahiya man sabihin.. manghiram ng video cam. hehehe! huli ko yatang punta sa natatangi at kaisa-isa kong org eh nun summer pa.. at isang beses lang yun.

Sir Jun: "uy camille! long time no see!"
Kuya Allan: "sir jun! manghihiram si camille ng video cam. lumilitaw lang yan kapag may kailangan. wag niyo pahiramin!"

HAHA! okay im kind of guilty. sa totoo lang masyado akong tamad para sumali sa mga orgs. pinapatakbo nga ako dati as Auditor ng CASA (communication arts students association) eh pero tinanggihan ko cause that was what my mom wanted me to do.. pero naisip ko din, baka ako pa ang sanhi para bumagsak ang CASA diba... lalang sharing lang using the abanador style. HAHAHAHA!

anyhoo.. nung tumambay ako kanina sa tomweb office, ibang kasiyahan ang naramdaman ko. unang-una, aircon kasi. hehe! pangalawa, parang tinamaan ako ng kidlat at bigla ko nalang gusto magpaka-active ulit. oh yeaaaaah!

kaya lang dahil sa napaka-ganda kong schedule, mukang imposibleng mag-cover pa ko ng events.

TSK! :( but i love tomweb so much! kaya this time, seryoso na ko sa trabaho ko.

GOOOOO TOMWEB! :D

No comments: